|
Post by kikZ on Jul 10, 2007 20:41:13 GMT 8
hi..mgtatanong lang po sana kung pano kung hindi nkakuha ng form sa UPCAT??pd po b humabol?? mhl po b ung BA film and audio-visual co mmunication??la po kasi me idea?? gs2 q n dn pla mgpthnk u snio..nd nsayang pg attnd q kht l8 n q dmting.. tnx tnx tlga... ;
|
|
|
Post by pareng jamo!!! on Jul 13, 2007 14:20:37 GMT 8
yo kikz! salamat sa pagpunta sa COPCAT at xempre, ang pagdaan dito sa msg board. naming malupet. ;D ang totoo nyan ay pwede pang humabol. kuha ka ng application form online sa UP website, print mo ito. ang app fee ay 450 pesos. pero dahil lampas na sa deadline application mo, magdadagdag ng 150 pesos... pati kelangan sa UP diliman na mismo lalakarin ang pagaapply for admission. . . hanggang last week of july ang application extension. habol ka! kaya mo yan. ;D BA FAVC??? nako. pangarap ko rin yan. hehe. uy Francis, Apaul, anu daw un, may nagtatanong na bata. . . salamat kikz! buti naman at sa pananaw mo eh di nasayang ang pagpunta mo. hehe. ;D
|
|
|
Post by Say Cheese! Bagnes on Jul 14, 2007 3:16:55 GMT 8
Hello KikZ! Ako nga pala si Francis Bagnes, alumni na ako ng UP Batangan. Graduate ako ng Film and Audio Visual Communication sa UP. Pati ang aking butihing may bahay, na si Apaul. Currently, I work as a Broadcast Producer of TV and Radio Commercials. Naka-base ako sa isang advertising agency. Masasabi kong masaya at sobra akong nag enjoy sa course ko na yan. Nung nag enroll ako sa Film, marami na ako naririnig mahal nga daw. Mahirap ma-gauge kung ano ang mahal sayo. Kagaya mo, nagtanong tanong din ako kasi nga naririnig ko before na mahal nga ang course na Film sa UP. Unang una, medyo iba naman nung time namin. Maraming nagsasabing mahal nga daw pero nakagraduate ako na di ko naman naramdaman na mahal. Naging mahal man sya pero di yun naging hindrance para di ko ituloy yung course. Reasonable naman kumbaga. Like any other course sa UP may mga laboratory din naman at miscellaneous fees na kailangan bayaran. Natakot nga ako nung una at ginusto ko magshift pa noon sa Broadcast Communication dahil jan sa notion na mahal nga ang Film. Pero habang tumatagal, lalo ko nagugustuhan at lalo naman ako nag eenjoy sa course na Film. At dahil nag eenjoy na ako, nabura na sa isip ko yung maling konsepto about the course na "mahal nga daw", when in fact, hindi naman. Malaking factor sa course na Film ang passion. Kung tinatawag ka ng kunsensya mo kunin ang kursong ito, sa loob ng apat na taon na lalagi ka sa course na Film, di mo mararamdamang mahal ang course, basta gusto mo at basta alam mong masaya ka. Sa palagay ko, subjective ang pananaw na yan, pag sinabing mahal ang course. Nasasabi nilang mahal kasi hindi naman nila nasubukan (or baka hindi nila completely naiintindihan). Or baka hindi sila interesado sa course? Kung ganun kasi ang pananaw mo sa isang course, eh lalabas talagang mahal nga sya. I think kailangan intindihin at maintindihan muna. Unfair naman kung di mo mapagbibigyan ang sarili mo para sa isang kursong gusto mo, dahil ang pumipigil sayo ay yung notion na "mahal nga daw ang course na yan". Kailangan mo lang paghandaan, kapag fourth year at nasa graduating class ka na, gagawa kayo ng production thesis. Ang production thesis na gagawin nyo ay puwedeng narrative na short film, documentary, experimental or animation. Nung time ko during may thesis defense, way back 2001, pinakamarami sa mga nag defend ng thesis ang mga gumawa ng narrative short film at animation. To think yan ang pinakamahirap at yan ang pinakamagastos ha. Pero walang nakapigil sa kanila. Natapos nila, nakapag defend sila and they all graduated. Yung iba nga sa mga thesis that defended that year, naipalabas pa sa ibat ibang Film Festivals at nagawaran ng awards. Yung thesis ko is a video documentary about a-day-in-a-life of a gay stand up comedian na nagpapatawa gabi gabi sa sing along bars. Napili ng Film Department as Best Production Thesis at nanalo ng Best Student Film sa Film Academy of the Philippines yung thesis ko nung 2001. (orgmate ko sa Batangan ang naging principal cameraman/videographer ko. Sya na rin ang Soundman. Hello, Redel Dapul!) Pero nung time ko na ginawa ko ang thesis ko, ang goal ko naman noon ay makagawa ako ng isang magandang production thesis. Production thesis na pag napanood mo, matutuwa ka at sa huli, may matututunan ka. Walang naging at magiging imposible, basta gusto mo ang isang bagay. Sana ay na-enlighten kita tungkol sa kursong itinanong mo. Matanong pala kita, bakit mo napupusuhan ang kursong Film and Audio Visual Communication? Kung matuloy ka sa course na yan, mas maswerte ka kumpara sa amin ng misis ko. Ngayon kasi completely hiwalay na sya sa College of Mass Comm. Institue of Film na sya ngayon. I heard sa Media Center, yung isang building na katabi ng Mass Comm, nandun yung mga bagong studios and equipment for Film majors. Kaya mas masaya daw ang Film majors ngayon dahil mas hands on sila sa mga production courses or classes. Hindi pa ko nagagawi pero soon susubukan ko bisitahin at kukuwentuhan kita kung anong bago sa kurso kong yan sa UP.
|
|
|
Post by pinoy SAILORBOY on Jul 14, 2007 6:00:50 GMT 8
Hi Kikz! I like your name... anyways, ako yung tinutukoy ni francis na cameraman/videographer at soundman nya sa thesis nya pero tulad nya rin, film grad din ako at best animation thesis awardee. isa lang masasabi ko, hindi ako nagsisi na ngfilm ako sa UP kahit DOST scholar ako at may scholarships ako sa ibang school. malayo na ang aking narating dahils sa course na ito at nilalamig nako ngyon d2 sa alaska. brrrrr
|
|
kikz francis dn name q
Guest
|
Post by kikz francis dn name q on Jul 14, 2007 22:54:28 GMT 8
mga kuya salamat sa support,,sana makahabol nga ako. after ng exams namin e yan na tatrabahuhin ko.(ang form).may test pa kasi kame sa 19 at 20 e,salamta tlga at kht pano e naliwangan ako. passion ko ata talga mga movies kaya gusto ko kumuha ng ganong course. sa updiliman lang kasi ako meron may nakitang ganung corse e.hindi lang kasi panunuod ang gusto ko gawin.gusto ko din na balang araw e ako mismo ang gagawa ng sarili kong pelikula.sana nga... well..tnx a lot guyz...
|
|